sa pag-ihip ng hangin.

Is it I, Lord? 

Taliwas sa aking pag-uugali ang nais kong tahaking landas. Alam ng lahat yan. Isa akong makulit na bata. Maingay. Sinungaling. Makasalanan. Lahat ng kabaligtaran ng daan na nais ko, nasa akin nga siguro. Pero sa ilalim nito, nagtatago ang isang liwanag. Liwanag na siyang patuloy kong sinusundan, sinusunod at iginagalang.

Gusto kong maging pari. Alam ng lahat yan. Maliit pa lamang ako, pangarap ko na iyon. Nariyang isuot ko ang kumot at magkilos pari. Hindi ako nakuntento doon. Nariyan ang panahon na sa sobrang pagnanais ko na maging pari, hinanap ko sa internet ang lahat ng tungkol dito. Pumasok din ako sa samahang Altar Servers para mas makita ko ng malapitan kung ano nga ba ng ginagawa nila. Sobra akong tinangay ng aking pagnanais na kunin ang bokasyong tingin ng iba ay di bagay sa akin.

Dumadating rin minsan ang mga panahon na sa sobrang pagkatangay ko sa bokasyong ito, nawawala sa aking isipan ang tunay na kahulugan ng pagpapari. Dumadating ang oras na hindi ko man lang Siya iniisip. Natatangay ako ng panlabas na anyo ng pagpapari. Nawawala minsan ang tunay na kahulugan.

May mga panahon din na naguguluhan ako kung saang Order ako bibilang. Nariyang kausapin ko ang mga paring Agustino dito sa lumang simbahan. May pagkakataon na ding nakausap ko ang isang paring misyonero at isang Pransiskano nung ako ay nasa Japan. May nakausap na din akong paring Heswita. Marami ring paring Diyosesano o Diocesan na akong nakausap. Naguguluhan ako noon.

Marahil sa paglipas ng panahon, natututo tayo.  Sa aking palagay, sigurado na ako sa aking tatahaking landas. Itutuloy ko na ito. Wala nang atrasan. Maraming tao ang umaasa sa akin. Maraming naghihintay. Nawa’y hindi ko sila mabigo.

~ by deejay on March 28, 2008.

10 Responses to “sa pag-ihip ng hangin.”

  1. bigla akong napadpad rito. wala lang.

    mabuti ka pa at alam mo na ang landas na gusto mong tahakin.

  2. naligaw lang ako sa blog mo.
    seminarista rin ako, Karlistang extern sa Theology. maganda ang blog mo, kapatid. ipagpatuloy kahit walang gana o inspirasyon. God bless!
    teka, lola mo ba si Maam Mila Mejillano?

  3. seminarista? make sure na talagang yan na ang gusto mo, dami kong barkada nung high school na nagseminarista tapos ngayon lahat di pa nakatapos ng kahit ano dahil di nila itinuloy, add mo nga ako sa blogroll mo

  4. yo, kulot! tapos na ako ng college at nagtrabaho for some time bago pumasok ng seminaryo. six years na rin akong nag-eenjoy sa loob.
    sige, ex link tayo.

  5. brotherutoy: i am not in any way related to miss mejillano. :P salamat sa pagbisita.

  6. Denib!
    Do you remember me? If not, well about a year and a half ago, I visited your school, Makati Sci, with three other students from New York (Drew, Janelle, Katrina). Ring a bell?
    I stumbled across your old blogger and it led me here. I hope everything is well with you! I remember you were planning on entering the priesthood. How is that going for you? It would be great to know what everyone else that was in your graduating class is up to now. Visiting the Philippines remains one of my fondest memories.

    Take care!!

  7. Ilang beses ko na rin nababasa ang blog mo. Naghahanap kasi ako ng inspirasyon.

    Nalilito ako. Nariyan kasi lagi yung kagustuhan kong maging pari rin, tulad mo. Bata pa lang ako, naiisip ko na to. Pero hindi ko sigurado kung totoo ngang para doon ako.

    Sa November, magse-search-in ako sa San Carlos seminary. Kung hindi man o para doon ako, magiging masaya ako kasi malalaman ko na kung saan talaga ako patutungo.

    ————————–

    P.S: I love japanese culture! I love anime, japanese food, their language, and *most* of their culture.

    Gambatte!!!

  8. Somehow i missed the point. Probably lost in translation :) Anyway … nice blog to visit.

    cheers, Dockhand.

  9. minsan sa buhay natin may mga panahon na nalilito at naguguluhan kung anong landas ang ating tatahakin…may takot at pangamba din kung tama ba ang desisyon na ating gagawin.palagay ko bahagi ng buhay yung tinatawag na risk o sugal.basta alam mo na magiging masaya at buo ang pagkatao mo wala dapat ikatakot….
    Kaya mo yan!

  10. denib? mamimiss kita… waaah!!! aku din pangarap ko maging madre, hanggang ngayon… sabi nga ng aunty ko, pwede naman daw magmadre kahit after 5 years ko.. wala lang… idol kasi kita eh. hahaha! joke lang!!!

    hihihi… kunware ka pa eh. if i know kaya ka nagpari kasiiiii… hahaha!!! =P joke lan.

Leave a Reply